Kung gusto ninyong mag-file ng karaingan o kung hindi kayo sumasang-ayon sa isang desisyong ginawa ng PHC o ng isang tagapagbigay ng serbisyo, maaari kayong mag-file ng karaingan.
Pagpa-file ng Karaingan
Ang mga miyembro o ang awtorisadong kinatawan ng miyembro ay maaaring mag-file ng karaingan gamit ang isa sa mga limang paraang nakalista sa ibaba:
1. Sa Telepono: Maaari kayong mag-file ng karaingan o magtanong tungkol sa proseso ng karaingan sa pamamagitan ng pagtawag sa Member Services Department ng PHC sa 1-800-863-4155. May nakahandang tauhang nakapagsasalita ng dalawang wika at gumagamit ang PHC ng serbisyo ng tagasalin ng wika para sa mga miyembrong gumagamit ng mga ibang wika.
2. Sa sulat: Maaari kayong mag-file ng karaingan sa pamamagitan ng pagsulat sa PHC. Dapat ipadala ang mga nakasulat na karaingan sa:
Southern Counties (Lake, Marin, Mendocino, Napa, Solano, Sonoma, Yolo)
Partnership HealthPlan of California
4665 Business Center Drive
Fairfield, CA 94534
Attention: Grievance Unit
Northern Counties (Del Norte, Humboldt, Lassen, Modoc, Shasta, Siskiyou, Trinity)
PHC: Redding Regional Office
3688 Avtech Parkway
Redding, CA 96002
Attention: Grievance Unit
3. Personal: Maaari kayong mag-file ng karaingan nang personal sa pamamagitan ng pagpunta sa opisina ng PHC sa:
Southern Counties (Lake, Marin, Mendocino, Napa, Solano, Sonoma, Yolo)
Partnership HealthPlan of California
4665 Business Center Drive
Fairfield, CA 94534
Northern Counties (Del Norte, Humboldt, Lassen, Modoc, Shasta, Siskiyou, Trinity)
PHC: Redding Regional Office
3688 Avtech Parkway
Redding, CA 96002
Maaaring makatanggap ang mga miyembro ng tulong sa pagpa-file ng karaingan o apela mula sa mga tauhan para sa karaingan o sa isang Kinatawan ng Serbisyo sa Miyembro (Member Service). Kung ang miyembro ay mas bata sa edad na 18, maaaring mag-file ang magulang o tagapag-alaga ng reklamo para sa kanya. Maaari ring sagutan ng mga miyembro ang isang Form ng Awtorisadong Kinatawan (Authorized Representative Form) upang pahintulutan ang isang taong gusto nila para katawanin sila.
4. Nakakontratang Tagapagbigay ng Serbisyo: Maaari ninyong i-file ang inyong karaingan sa opisina ng sinumang tagapagbigay ng serbisyo na nakakontrata sa PHC. Maaaring gamitin ang mga form na pinamagatang "Humingi ng Karaingan o Apela" para i-file ang inyong karaingan. Makukuha ang mga form na ito sa mga opisina ng lahat ng tagapagbigay ng serbisyo na nakakontrata sa PHC.
5. Website: Maaaring mag-file ang mga miyembro ng karaingan o apela sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng PHC sa pag-click dito at pagpili sa "Online Form ng Karaingan".