Tungkol sa Programang Ligtas na Pamamahala sa Pananakit
Nakikipagtulungan kami sa aming mga komunidad upang mapataas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng ligtas na pagrereseta ng gamot na opioid (halimbawa Morphine, Hydrocodone, Methadone, OxyContin, at iba pa).
Gumawa kami ng mga bagong alituntunin sa pagrereseta sa pamamagitan ng tulong ng mga nasa komunidad upang pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng aming mga miyembro. Ang aming unang layunin ay ang mapigilan ang tumataas na dosis ng mga opioid para sa mga pasyenteng kasalukuyan nang gumagamit ng matataas na dosis at upang makatulong sa mga klinisyan sa aming network na nagrereseta ng mga opioid nang ligtas at ayon sa naaangkop.
Mga Gamot sa Pananakit – Kamakailan na Kasaysayan
1970 - 1990: Pinarusahan ng bagong batas ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan at institusyon para sa hindi sapat na paggamot sa pananakit. May ginawa at ibinibenta na bagong mga opioid na may matagalang bisa.
2005 - 2010: Naipon ang ebidensya kaugnay sa mga panganib ng matagal na paggamit ng mga opioid kabilang ang pagkagumon.
2010 - 2013: Naglabas ang malalaking pambansang organisasyon ng mga alituntunin na nagrerekomenda sa paglilimita sa paggamit ng mga opioid sa mga nagtatagal, hindi-kanser, hindi-nataningang pananakit