Paano Papupunuan ang mga Reseta
Kung mayroon kayong reseta na kailangang mapunan, dapat ninyo itong dalhin sa isa sa mga parmasya na nasa listahan ng parmasya na ipinadala sa inyo ng PHC. Kung wala kayo ng kopyang ipinadala namin sa inyo, makakakuha kayo ng kopya ng aming mga kinontratang parmasya mula sa seksiyon ng web site na ito na pinamagatang "mga direktoryo ng provider" o maaari ninyong tawagan ang Member Services Department ng PHC.
Pagpupuno sa inyong reseta
Hindi kayo kailanman dapat magbayad para sa isang reseta na sakop at medikal na kinakailangan. Kung nagkakaproblema kayo sa pagkuha ng reseta o kinakailangan ninyong magbayad para sa isang reseta, dapat kayong tumawag kaagad sa aming Member Services Department. Ang numero ng aming telepono ay (800) 863-4155.
Sinasakop lang ng PHC ang mga branded na gamot kapag walang makukuhang katumbas na generic na gamot. Gayunman, kung mayroong medikal na dahilan kung bakit ang isang generic na gamot ay hindi magagamit, dapat isumite sa PHC ang kahilingan para sa pahintulot na isinasaad ang medikal na dahilan.
Nasa ibaba ang ilang tip upang mapunan ang mga reseta nang mas mabilis at madali:
• Palaging ipakita ang lahat ng inyong health insurance card, kabilang ang inyong PHC ID card at Medi-Cal card.
• Maghanap ng isang parmasya na gusto ninyo at kung maaari papunan doon ang inyong mga reseta.
• Makinig at sundin ang mga tagubilin ng parmasyutiko kung gaano kadalas dapat ninyong inumin ang inyong gamot.
• Tawagan nang maaga ang inyong parmasya kapag kailangan ninyo ng pagpuno. Huwag hintayin na maubusan kayo ng gamot. Dapat kayong tumawag kapag naubos na ang 75% ng inyong reseta.
- Impormasyon sa Ligtas na Pamamahala sa Pananakit para sa mga Miyembro, mag-click dito
Kung mayroon kayong problema sa pagpuno ng inyong resetang gamot, dapat kayong:
• Humiling na makausap ang pinunong parmasyutiko o tagapamahala ng parmasya.
• Tawagan ang aming Members Services Department ng PHC sa (800) 863-4155.