Komite ng Tagapayo na Pamilya
Itinataguyod ng Komite ng Tagapayo na Pamilya o Family Advisory Committee (FAC) sa WCM ang mga miyembro ng CCS. Ang mga pagpupulong ng FAC ay isang lugar kung saan may pagbabahagi ng impormasyon. Maaaring makipag-ugnayan ang mga miyembro ng FAC sa iba pang mga miyembro na may mga parehong problema. Maaaring makagawa ang pagsisikap na ito ng positibong kaibahan sa programang WCM. Kabilang sa mga miyembro ng FAC ang mga kinatawan ng pamilya o miyembro ng CCS, mga grupo sa komunidad, at/o mga tagapagtaguyod ng konsyumer.
Maaaring ialok ng mga miyembro ng FAC ang kanilang mga pananaw sa:
Mga paksang nakakaapekto sa mga miyembro ng CCS
Mga ulat-balita ng miyembro, mga pulyeto, survey, atbp.
Mga serbisyo ng PHC (kabilang ang anumang mga posibleng kakulangan sa pangangalaga)
Gusto ba ninyong maging bahagi ng FAC? Maaari kayong padalhan ng mga Mga Serbisyo sa Miyembro ng form para mag-apply sa FAC. Mangyaring tawagan ang Mga Serbisyo sa Miyembro sa (800) 863-4155.
Ang mga petsa ng mga nalalapit na 2019 FAC meeting ay Marso 20, Mayo 16, Hulyo 17, Setyembre 19, at Nobyembre 20.
Gaganapin ang mga meeting magmula tanghaling tapat hanggang 1:30 p.m. Maaari kayong dumalo sa mga opisina ng PHC sa Fairfield, Santa Rosa, Redding, at Eureka. May ihahandang pananghalian sa oras ng 11:30 a.m. sa bawat lokasyon. Upang dumalo nang personal, mangyaring tawagan si Catherine Esta sa CEsta@partnershiphp.org o (707) 420-7670.
Kung hindi kayo makakadalo nang personal, maaari kayong tumawag sa telepono ayon sa sumusunod:
(888) 240-2560
Conference ID: 7423271
Passcode: 6786