Tingnan ang Seksyon 4 sa iyong Handbook para malaman ang tungkol sa coverage sa Inireresetang Gamot.
Naghahandog ang Medi-Cal ng mga serbisyo ng parmasya bilang isa sa maraming benepisyo ng programa. Simula Enero 1, 2022, ibibigay ang benepisyo ng iyong botika sa pamamagitan ng Department of Health Care Services (DHCS) sa halip na Partnership HealthPlan of California. Sasaklawin ng Medi-Cal Rx ang mga gamot na inirereseta sa iyo. Magbasa Pa
Maaari mong tawagan ang serbisyo sa customer ng Medi-Cal Rx sa (800) 977-2273, 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, o 711 para sa mga gumagamit ng TTY.
Makakakita ka ng listahan ng mga parmasyang nakikipagtulungan sa Medi-Cal Rx sa Direktoryo ng Parmasya ng
Medi-Cal Rx sa medi-calrx.dhcs.ca.gov/home/.
Medi-Cal Rx: Benepisyo sa Parmasya
Ang Medi-Cal ang iyong provider ng benepisyo sa botika, hindi ang Partnership HealthPlan of California. Ang benepisyo sa botika ng Medi-Cal ay tinatawag na Medi-Cal Rx. Ang Medi-Cal Rx ang nagpapasya kung aling mga gamot at kung gaano karami ang sasaklawin.
Maaaring mangailangan ka ng pag-apruba (Kahilingan sa Pahintulot sa Paggamot o Treatment Authorization Request, TAR) para masaklaw ang ilang gamot. Nakikipagtulungan sa Medi-Cal ang Medi-Cal Rx para suriin at aprubahan ang mga TAR. Kung hindi sakop ng Medi-Cal Rx ang iyong mga gamot, magpapadala ang iyong doktor o botika ng mga TAR sa supplier ng Medi-Cal Rx o customer service center ng Medi-Cal Rx.
Maaari kang tumawag sa customer service center ng Medi-Cal Rx anumang oras sa (800) 977-2273. Masasagot nila ang iyong mga tanong at malulutas ang anumang problema mo sa pagkuha ng iyong mga gamot sa botika. Kung may problema ka sa pag-abot sa customer service center ng Medi-Cal Rx o kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring tawagan ang Partnership sa (800) 863-4155, Lunes – Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m.
"Medical Drug Benefit" ng Partnership
Malamang na nakukuha mo ang karamihan sa iyong mga iniresetang gamot sa isang botika. Maaaring nakukuha mo ang ilang gamot sa tanggapan ng iyong doktor o ospital. Saklaw ng benepisyo sa medikal na gamot ng Partnership HealthPlan of California ang mga gamot na nakukuha mo sa tanggapan ng doktor o ospital. Sinasaklaw ng Medi-Cal Rx ang mga gamot na nakukuha mo sa botika.
Nagpapasya ang Partnership kung aling mga gamut at kung gaano karami sa bawat gamot ang saklaw ng benepisyo sa medikal na gamot. Sinusuri ng Partnership ang Mga Kahilingan sa Pahintulot sa Paggamot para sa mga gamot na ito.
Kung mayroon kang anumang tanong o gusto ng kopya ng kung ano ang kailangan ng Partnership para masaklaw ang mga gamot na nakukuha mo sa tanggapan ng iyong doktor at ospital, mangyaring tawagan kami sa (800) 863-4155.
Makikita mo ang mga update at pagbabago sa benepisyo sa gamot sa botika at para sa therapy (Pharmacy & Therapeutics, P&T) sa webpage ng mga update sa benepisyo sa gamot. Ipo-post ang mga update nang 4 na beses bawat taon sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/PT-Formulary-Changes.aspx.
Makikita mo ang webpage ng mga listahan ng sinasaklaw na gamot ng Partnership sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/Formularies.aspx.
Sa page na ito, makikita mo ang: (1) Mga pagbabago sa mga gamot na kinukuha mo sa tanggapan ng iyong doktor, sa klinika o ospital; (2) listahan ng mga medikal na gamot na sinasaklaw ng Medi-Cal; at (3) mga listahan ng gamot na sinasaklaw ng Medi-Cal Rx ng Estado.
Makikita mo ang mga kahilingan sa pahintulot sa paggamot para sa parehong mga medikal na gamut ng Partnership at mga gamot sa botika ng Medi-Cal Rx sa http://www.partnershiphp.org/Providers/Pharmacy/Pages/Prior-Authorization-Forms.aspx.