Ang
Partnership ang kauna-unahang planong pangkalusugan sa California na nagkaroon
ng liaison na Pantribo. Nagtatrabaho ang liaison para lumikha ng pangmatagalang
pagkakaisa sa pagitan ng Partnership at mga komunidad na Pantribo. Nilalayon
din ng liaison na pagbutihin ang kalusugan ng mga miyembro ng Tribo at ang
pag-akses sa pangangalaga.
Sa Partnership, nakatuon kami sa pagkakaiba-iba at
katarungan habang naglilingkod kami na maging isang katuwang sa kalusugan at
kagalingan ng aming mga miyembro ng Tribo.
Tanggapan
ng Kapakanang Pantribo ng Gobernador
AngTanggapan ng Kapakanang Pantribo ng Gobernador ay may ilang kapaki-pakinabang
na mapagkukunan tungkol sa:
Nilikha ang Sanggunian ng Katotohanan at
Paghilom ng California bilang bahagi ng Kautusang Tagapagpaganap N-15-19, na
nagbibigay ng boses sa mga apektado ng “karahasang pangkasaysayan,
pagsasamantala, pag-agaw ng karapatan ng pagkamay-ari at ang tangkang pagsira
ng mga komunidad na pantribo.”
Higit pang mga Mapagkukunan:
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming pahina ng mga Serbisyo sa Miyembro o ang Portal ng Miyembro. Palagi kang makakatawag sa mga Serbisyo sa Miyembro kung mayroon kang mga tanong sa (800) 863-4155. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800)735-2929 o 711.
Para sa impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan sa iyong county, bisitahin ang pahina ng mga Mapagkukunan sa Komunidad.
Para sa tulong sa iyong kaso at pagkuha ng pangangalaga, tumawag sa pangkat ng Koordinasyon ng Pangangalaga sa(800) 809-1350. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2929 o 711.
Para sa tulong sa pagtungo sa iyong mga appointment, bisitahin ang pahina ng mga Serbisyong Pantransportasyon.
Para tingnan ang aming mga handbook ng miyembro, bisitahin ang pahina ng aming mga Handbook ng Miyembro.
Maghanap ng Indian Health Care Programs (IHCP) medikal, dental, nutrisyon, at mga serbisyong pangkalusugan sa pag-uugali na malapit sa iyo.
Liaison na Pantribo ng Partnership
Naglilingkod si Yolanda Latham bilang liaison na Pantribo ng Partnership. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pulong ng Pakikibahagi sa Kalusugan na Pantribo, maaari kang makipag-ugnayan sa kanya sa triballiaison@partnershiphp.org. Maaari ka ring tumawag sa mga Serbisyo sa Miyembro sa (800) 863-4155. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2929 o 711.