Mga Referral sa mga Espesyalista

Paano ako makakakuha ng referral sa isang espesyalista? 


Papupuntahin ka ng iyong doktor ng pangunahing pangangalaga sa isang espesyalista kung kailangan mo. Ang espesyalista ay isang doktor na nagpakadalubhasa sa isang espesyal na larangan ng medisina. Kung hindi mo makuha ang pangangalagang kailangan mo mula sa kalahok na provider sa network ng Partnership, dapat humingi ang iyong doktor ng pangunahing pangangalaga ng pag-apruba sa Partnership para ipadala ka sa provider na wala sa network. Kailangang aprubahan ng iyong doktor ang referral at ipadala sa Partnership ang Form ng Pahintulot sa Referral (Referral Authorization Form, RAF). Tumawag sa aming Departamento ng Mga Serbisyo sa Miyembro sa (800) 863-4155 kung mayroon kang mga tanong tungkol sa proseso ng referral.

 

 Hindi mo kailangan ng referral para sa mga serbisyong nasa ibaba:

·         Mga pagpapatingin sa doktor ng pangunahing pangangalaga

·         Mga pagpapatingin na agaran o sa emergency room

  • Mga pagpapatingin sa Obstetrics/Gynecology (OB/GYN)
  • Mga serbisyo sa pagpaplano ng pamilya. Kasama rito ang pagpapayo at pagtuturo tungkol sa pagpaplano ng pamilya, maraming uri ng mga paraan ng pagkontrol para hindi mabuntis, kasama ang pang-emergency na pagpigil sa pagbubuntis. 
  • Pagsusuri at suporta sa pagbubuntis
  • Paggamot at pagsusuri sa mga impeksiyong naipapasa sa pakikipagtalik (STI)
  • Pagpapalaglag 
  • Tubal ligation
  • Vasectomy

Tumawag sa aming Departamento ng Mga Serbisyo sa Miyembro o sa iyong doktor para makakuha ng higit pang impormasyon kung paano makuha ang mga serbisyong ito. Maaari mo ring tawagan ang Tanggapan ng Pagpaplano ng Pamilya ng Departamento ng Mga Serbisyong Pangkalusugan sa (800) 942-1054. Nagbibigay ang Tanggapan ng Pagpaplano ng Pamilya ng impormasyon sa mga serbisyo ng pagpaplano ng pamilya at mga referral sa mga klinika ng pagpaplano ng pamilya. Maaari kang makatanggap ng mga serbisyo mula sa alinmang provider ng Medi-Cal na gusto mo, kabilang ang mga provider na wala sa network, nang hindi nangangailangan ng referral o paunang awtorisasyon.

Pangangalaga bago manganak – Hindi mo kailangan ng referral mula sa iyong doktor para makatanggap ng pangangalaga bago manganak mula sa isang OB/GYN.

Kung buntis ka, tumawag at makipag-usap sa isa sa aming mga tagapamahala ng kaso tungkol sa aming programa para sa mga buntis na miyembro sa (855) 798-8764.