Gastos At Mga Benepisyo

Gastos

Hindi mo kailangang magbayad para sa mga saklaw na serbisyo. Libre ang iyong mga saklaw na serbisyo kung ang mga ito ay kinakailangan dahil sa medikal na kalagayan at ibinibigay ng isang provider sa Partnership. Para sa listahan ng saklaw na mga serbisyo, pumunta sa "Mga benepisyo at serbisyo" ng Handbook ng Miyembro (i-click dito).

Kailangan mong kumuha ng paunang awtorisasyon (paunang pag-apruba) bago ka bumisita sa isang provider na wala sa aming network. Kung hindi ka makakuha ng paunang pag-apruba maaaring magbayad ka para sa mga serbisyong ito. Hindi ito naaangkop sa mga pang-emergency o sensitibong serbisyo. Kabilang sa mga sensitibong serbisyo ang:

    • Pagsusuri at pagpapayo kung buntis
    • Pag-iwas at pagsusuri sa HIV/AIDS
    • Pagsusuri at paggamot sa mga impeksiyong naipapasa sa pakikipagtalik
    • Pangangalaga sa seksuwal na pag-atake
    • Mga serbisyong pang-outpatient para sa aborsyon

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga sensitibong serbisyo, tingnan ang seksyon na "Sensitibong pangangalaga" ng Handbook ng Miyembro (i-click dito).

Bisitahin ang aming Direktoryo ng Provider para sa llistahan ng mga provider sa Partnership (i-click dito).

Pangmatagalang pangangalaga at hati sa gastos

Maaaring pagbayarin ka ng hati sa gastos bawat buwan para sa iyong mga serbisyo na pangmatagalang pangangalaga. Nakabatay ang halaga ng iyong hati sa gastos sa iyong kita at mga mapagkukunan. Ang lokal na opisina ng Medi-Cal ang nagpapasya ng gastos na ito. Bawat buwan, magbabayad ka ng halaga ng iyong hati sa gastos para sa iyong sariling pangangalaga ng kalusugan. Pagkatapos, sasaklawin ng Partnership ang iyong mga benepisyo at serbisyo.

Mga Benepisyo

Mga saklaw na serbisyo ang pangangalagang rutina at para makaiwas sa sakit, pati na rin ang mga serbisyong medikal na kinakailangan kapag ibinigay ng isang provider sa Partnership. Tumutulong sa iyo ang rutinang pangangalaga para manatili kang malusog at para lagi kang makaiiwas sa pagkakasakit. Kabilang sa rutinang pangangalaga ang pangangalaga para makaiwas sa sakit. Kabilang sa pangangalaga para makaiwas sa sakit ang mga rutinang checkup at tumutulong na maiwasan ang mga problema sa kalusugan o malaman ang mga ito bago lumala. Ang mga medikal na kinakailangang serbisyo ay makatwirang mga serbisyo na kailangan para pangalagaan ang iyong buhay, ilayo ka sa pagkakaroon ng malubhang sakit o kapansanan, o bawasan ang matinding pananakit mula sa isang na-diagnose na sakit, karamdaman o pinsala.

Kailangan ng ilang serbisyo ang paunang pag-apruba mula sa iyong provider at Partnership.

Sinasaklaw ng Partnership ang pangunahing mga benepisyo sa kalusugan at mga serbisyong nakalista sa ibaba. I-click ang benepisyo o serbisyo para sa higit pang impormasyon kasama ang kung kailangan ang paunang pag-apruba.

Mga Miyembrong may Limitadong Medi-Cal

Kasama lamang sa coverage para sa ilang miyembro ang paggamot sa kanser ng suso at cervix at/o mga serbisyo ng pangmatagalang pangangalaga. Ang lokal na opisina ng Medi-Cal ang nagpapasya nito.

Bisitahin ang iyong Handbook ng Miyembro para sa listahan ng mga saklaw na serbisyo (i-click dito).