Ano ang COVID-19?
Ang Coronavirus-19 (COVID-19) ay isa lang sa malaking pamilya ng mga coronavirus. Nagdudulot ang karamihan sa mga miyembro ng pamilyang ito ng mga banayad na sintomas ng ubo at sipon. Ngunit tulad ng nakita natin, maaari rin itong magdulot ng malubhang sakit at maging ng kamatayan, partikular sa ilang grupo tulad ng mga taong may sakit sa puso, sakit sa bato, labis na katabaan at mga problema sa kanilang immune system. Maaari ka ring madaling mahawa kung mataas na ang iyong edad
(50 pataas). Mangyaring tandaan na kung ikaw ay hindi nabakunahan o kulang sa pagbabakuna, mas mataas ang iyong panganib anuman ang edad.
Ang COVID-19 ay kumakalat pa rin at nagdudulot ng sakit sa ating mga komunidad. Sa kabutihang palad, mayroon na tayong parehong pagbabakuna at paggamot na makakatulong na maiwasan ang malubhang sakit, pagpapaospital at pagkamatay mula sa impeksiyong ito. Para sa mga 12 taong gulang pataas, libre ang paggamot at available sa maraming lugar nang may reseta. Mahalagang makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa paggamot kahit na banayad ang iyong mga sintomas. Huwag patagalin. Ang maagang paggamot ay ang pinakamabisang paggamot.
Mangyaring regular na suriin ang page na ito para sa na-update na impormasyon.
Mga Sintomas ng COVID-19
Karaniwang nagsisimula ang mga sintomas sa loob ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkakalantad sa virus, maaaring banayad o malubha, at maaaring kinabibilangan ng:
- Lagnat o panlalamig
- Ubo
- Pangangapos ng hininga o kahirapan sa paghinga
- Pagkapagod
- Mga pananakit ng kalamnan o katawan
- Pananakit ng ulo
- Bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy
- Pananakit ng lalamunan
- Paninikip sa ilong o sipon
- Pagkahilo o pagsusuka
- Pagdudumi
Paano magpasuri para sa COVID-19?
- Gumamit ng kit para sa pagsusuri sa bahay. Maaaring makakuha ang mga miyembro ng Partnership nang hanggang
8 over-the-counter na COVID-19 rapid antigen na pagsusuri bawat buwan nang walang bayad mula sa mga botika na tumatanggap ng Medi-Cal. Mag-click dito para sa karagdagang impormasyon. - Tawagan ang tanggapan ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o agarang pangangalaga.
- Tumawag sa Partnership para sa tulong sa paghahanap ng pagsusuri. Available ang aming Departamento ng Mga Serbisyo sa Miyembro mula Lunes - Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m. Puwede mo kaming tawagan sa (800) 863-4155.
- Tawagan ang aming Linya ng Pagpapayo ng Nars nang 7 araw sa isang linggo, 24 na oras sa isang araw sa
(866) 778-8873.
Ano ang gagawin ko kung nagpositibo ako?
Aksyonan ito kaagad. Pinakamahusay na gumagana ang mga gamot sa COVID-19 kapag sinimulan sa loob ng unang
5-7 araw ng mga sintomas. Ang mga gamot para gamutin ang COVID-19 ay libre, available sa maraming lugar, at mabisa
para mapigilan ang paglala ng sakit na COVID-19.
Dapat makipag-usap sa provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa paggamot ang lahat ng 12 taong gulang pataas na may mga sintomas at nagpositibo sa pagsusuri sa COVID-19. Partikular na mahalaga ito para sa mga taong may edad na 50 taong gulang pataas at sa iba pang grupong may mataas na panganib o napakataas ng panganib na magkasakit.
Kung wala kang provider ng pangangalagang pangkalusugan o hindi mo sila makaugnayan, narito ang ilang opsyon:
- Tumawag sa iyong botika. Maaaring makapagbigay sa iyo ng reseta ang ilang botika.
- Tawagan ang hotline ng COVID-19 para sa buong estado sa (833) 422-4255 para sa tulong.
- Bisitahin online ang Sesame Care o tumawag sa (833) 686-5051 para gumawa ng libreng appointment sa telepono o video sa pamamagitan ng serbisyong telehealth para sa COVID-19 ng California. https://sesamecare.com/covid. Inaasahang magpapatuloy ang mga serbisyo hanggang Pebrero 2024.
- Tawagan ang Linya ng Pagpapayo ng Nars ng Partnership nang 7 araw sa isang linggo, 24 na oras sa isang araw
sa (866) 778-8873.
Bakit ako magpapagamot?
- Napatunayang lubos na mabisa sa pagpigil sa malubhang sakit, pagpapaospital, at pagkamatay mula sa COVID-19 ang mga pagpapagamot.
- Maaaring bawasan ng paggamot sa COVID-19 ang panganib na magkaroon ng pangmatagalang sintomas ng COVID.
- Maaaring makatulong sa iyo ang mga paggamot sa COVID-19 para maalis ang impeksiyon at magnegatibo sa lalong madaling panahon.
Mahalagang Impormasyon
Sa panahong lumalaganap ang COVID-19, marami tayong natutunan tungkol sa kung paano ito kumakalat, kung paano ito nagdudulot ng impeksiyon, kung ano ang maaaring gawin ng mga impeksiyon, at higit sa lahat, kung paano tumulong para maiwasan at magamot ang impeksiyon.
May mahusay na page para sa impormasyon ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California tungkol sa lahat ng bagay na nauugnay sa COVID-19. Mangyaring basahin ito para matulungan ka, ang iyong pamilya, at ang iyong komunidad na maging ligtas.
https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/Immunization/ncov2019.aspx (English)
https://www.cdph.ca.gov/Programs/OPA/Pages/CDPHespanol.aspx (Spanish)
Nagbabayad ka ba ng premium para sa Medi-Cal? Maaaring available ang tulong sa COVID-19: Kung magbabayad ka ng buwanang premium at nakakaranas ng kahirapan sa pananalapi dahil sa COVID-19, maaari kang makatanggap ng pansamantalang tulong (pagpapatigil sa iyong buwanang pagbabayad ng premium o pagtanggap ng credit). Magbasa Pa