WCM Mga FAQ

Ano ang programang Whole Child Model (WCM)?

Ang Whole Child Model ay isang programang ginawa ng Estado ng California para sa California Children Services (CCS). Simula sa Enero 1, 2019, ang mga miyembro ng Partnership HealthPlan of California (PHC) na tumatanggap ng pangangalaga mula sa CCS sa pamamagitan ng kanilang county ay kukunin na ang mga serbisyong ito sa pamamagitan ng Whole Child Model na programa ng PHC.  Tutulungan ng PHC ang mga pamilyang ito na may pangangalaga ng CCS at mga serbisyo na saklaw ng Medi-Cal.

Ano ang benepisyo ng pagbabagong ito para sa aking anak?

Ang lahat ng pangangailangan sa pangangalaga ng inyong anak (mga serbisyo na sakop ng CCS at Medi-Cal) ay ikokoordina, aaprubahan, at babayaran ng isang organisasyon. 

Kung ang mga benepisyo ng aking anak ay magbabago diretso sa Medi-Cal, mananatili pa rin ba siya sa WCM?

Hindi. Ang mga bata na naitalaga nang diretso sa Medi-Cal ay hindi na mananatili sa Whole Child Model.

Sino ang kwalipikado para sa Whole Child Model?

Ang isang bata ay magiging kwalipikado kung siya ay:

  • Mas bata sa edad na 21
  • Miyembro ng PHC
  • Kwalipikado para sa CCS  

Sino ang magdedesisyon kung sino ang kwalipikado para sa CCS?

Ang CCS na programa ng inyong county ang magdedesisyon nito.

Paano maaabisuhan ang mga miyembro tungkol sa mga pagbabago sa programang CCS sa ilalim ng Whole Child Model?

Sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:

  • Sulat mula sa Departamento ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (DHCS)
  • Mga sulat ng PHC
  • Mga pagpupulong ng mga stakeholder ng PHC
  • Impormasyon mula sa website ng PHC
  • Tawagan ang Mga Serbisyo sa Miyembro ng PHC sa (800-863-4155)

Maitatalaga ba ang mga miyembro ng CCS sa isang PCP?

Hihingin sa mga miyembro ng programang Whole Child Model na pumili ng lokal na medical home. Maaari makipagkita sa kanilang mga tagapagbigay ng espesyal na pangangalaga na aprubado (paneled by) ng CCS.

Magkakaroon ba ng access ang mga miyembro ng Whole Child Model sa network ng tagapagbigay ng serbisyo ng CCS?

Oo

Paano ako makakahanap ng o paano ko makukumpirma na ang isang tagapagbigay ng serbisyo ay aprubado (paneled by) ng CCS?

Matatagpuan ang impormasyon ng tagapagbigay ng serbisyo na aprubado (paneled by) ng CCS sa website ng DHCS California Children's Services sa:   https://www.dhcs.ca.gov/services/ccs/Pages/CCSProviders.aspx.

 

Makakatanggap ba ang aking anak ng mga benepisyo sa transportasyon sa ilalim ng Whole Child Model?

Oo.

Sasagutin din ba ng PHC ang parehong mga benepisyo at serbisyo kagaya  ng ginagawa noon sa CCS?

Oo. Ibibigay ng PHC ang parehong mga benepisyo na tinatanggap noon ng mga bata sa CCS mula sa mga programa ng kanilang county.

Paano aapektuhan ng pagbabagong ito ang Medical Therapy Program (MTP)?

Patuloy na magbibigay ang MTP ng mga serbisyo sa terapiya sa inyong county at magrerekomenda ng kagamitan.  Rerepasuhin ng PHC ang lahat ng kahilingan para sa kagamitan.

Kailangan ko ba ang pag-apruba ng PHC para kumonsulta sa isang espesyalista?

      Hindi.

Ano ang mangyayari sa mga serbisyo na pinahintulutan na ng CCS na programa ng county para sa 2019?

Igagalang at babayaran ng PHC ang lahat ng serbisyo na inaprubahan ng county CCS hanggang magpaso ang pag-apruba.

Magkakaroon ba ng case manager o tagakoordina ng pangangalaga ang isang miyembro ng CCS?

Oo. Mayroon kang access sa Departmento ng Koordinasyon ng Pangangalaga ng PHC kapag kailangan mo ng tulong hinggil sa pamamahala ng kaso

Makakatanggap pa rin ba ang aking anak ng mga gamot sa CCS sa ilalim ng pinamamahalaang pangangalaga ng PHC?

Ang mga resetang sakop sa ilalim ng benepisyo sa CCS ay patuloy na kasama sa sakop ng Whole Child Model.

Ano ang gagawin ng PHC sa mga bata sa CCS na lumalabas na sa programang CCS dahil sa edad?

Ang departamento ng Koordinasyon ng Pangangalaga ng PHC ay may multi-year process tulungan ang mga pamilya sa maayos na paglipat sa mga serbisyo para sa nasa hustong gulang.

Magkakaroon ba ng apela at proseso ng patas na pagdinig ang mga bata sa CCS sa ilalim ng pinamamahalaang pangangalaga ng PHC?

      Oo.