MGA MADALAS ITANONG

Dito mo makikita ang mga madalas itanong mula sa aming mga miyembro at ang mga sagot sa mga ito. Para sa karagdagang detalye at iba pang benepisyo, sumangguni sa handbook ng miyembro ng Partnership, i-click dito, o tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa (800) 863-4155. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2929 o 711.

Paano ako makakapag-apply para sa mga benepisyo sa kalusugan ng Partnership HealthPlan of California?
Para magpa-enroll sa Medi-Cal na programa na pinamamahalaan ng Partnership, tumawag o bumisita sa iyong departamento ng county na nangangasiwa sa mga pagpapa-enroll sa Medi-Cal. Maaaring tinatawag itong Departamento ng Mga Serbisyong Panlipunan, Departamento ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Panlipunan, o kahalintulad nito. Awtomatiko kang naka-enroll sa Partnership batay sa uri ng Media-Cal kung saan ka kwalipikado at sa county na iyong tinitirhan. Maaari ka ring mag-enroll sa Medi-Cal sa pamamagitan ng Covered California sa http://www.coveredca.com/ o sa libreng numero sa (800) 300-1506. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (888) 889-4500.

Ano ang Portal ng Miyembro ng Partnership?
Nagbibigay ang Portal ng Miyembro ng Partnership ng mabilis na access para gawin ang mga sumusunod:

  • Palitan ang iyong doktor ng pangunahing pangangalaga
  • Mag-order at mag-print ng ID card
  • Tingnan ang iyong mga paunang pahintulot
  • Tingnan ang iyong kasaysayan sa pag-claim

I-click dito para mag-sign up ngayon: https://tl-member.partnershiphp.org/

Bakit ako nakakuha ng ID card ng Partnership sa mail?
Nakatanggap ka ng ID card ng Partnership dahil kwalipikado ka para sa mga benepisyo sa Medi-Cal sa iyong county. Kinakailangan ang pagpapa-enroll sa Partnership para makakuha ka ng mga benepisyo sa Medi-Cal. Nakabatay ang iyong pagpapa-enroll sa Partnership sa uri ng Medi-Cal na iyong natanggap at sa county na iyong tinitirhan.

Paano kanselahin ang aking pagkaka-enroll sa Partnership? Hindi ako nag sign-up para dito.
Kinakailangan ang pagpapa-enroll sa Partnership para makakuha ka ng mga benepisyo sa Medi-Cal. Hindi maaaring piliin ng mga miyembro na umalis sa Partnership para lumipat sa State Medi-Cal. Maaari mo lang kanselahin ang iyong pagkaka-enroll sa Partnership para sa isa sa mga sumusunod na dahilan:

  • Lumipat ka sa isang county na hindi sinasaklaw ng Partnership
  • Hindi ka na kwalipikado para sa Medi-Cal
  • Nagbago ang iyong coverage sa Medi-Cal sa kategoryang hindi sinasaklaw ng Partnership

Maaari bang maalis ang katayuan ng aking pagiging miyembro sa Partnership?
Maaari kang maalis bilang miyembro mula sa Partnership dahil sa isa sa mga dahilang nasa ibaba:

  • Lumipat ka sa isang county na hindi sinasaklaw ng Partnership
  • Nakatira ka sa isang county na nag-aalok ng isa pang plano ng pinamamahalaang pangangalaga, at inaprubahan ka ng Health Care Options na magpatala sa planong iyon
  • Wala ka nang Medi-Cal
  • Nagbago ang iyong coverage sa Medi-Cal sa isang uri na hindi sinasaklaw ng Partnership

Nakadepende ang pagiging miyembro sa Partnership sa uri ng Medi-Cal na natatanggap mo at sa county kung saan ka nakatira. Sinasabi ng estado ng California na karamihang miyembro ng Medi-Cal ay dapat nakatala sa isang plano gaya ng Partnership para matanggap ang kanilang mga benepisyo ng Medi-Cal.

Paano ako makakalipat sa isa pang planong pangkalusugan ng Medi-Cal?
Ang Mga Opsyon sa Pangangalagang Pangkalusugan (Health Care Options, HCO) ay isang serbisyong ibinibigay sa pamamagitan ng Departamento ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng California na tumutulong sa mga miyembro ng Medi-Cal na malaman ang tungkol sa mga lokal na plano sa kalusugan ng Medi-Cal. Sa mga county na may higit sa isang plano sa kalusugan ng Medi-Cal, maaaring piliin ng mga miyembro ang kanilang plano sa kalusugan ng Medi-Cal sa pamamagitan ng HCO.

Kung mayroon kang Medi-Cal at nakatira ka sa mga county na Marin, Napa, Placer, Solano, Sonoma, Sutter, Yolo, o Yuba, maaari mong piliin o baguhin ang iyong plano sa kalusugan ng Medi-Cal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa HCO. Maaari kang makipag-ugnayan sa HCO sa pamamagitan ng:

  • Telepono: Tumawag sa (800) 430-4263, 8 a.m. hanggang 6 p.m., Lunes – Biyernes. Ang mga gumagamit
    ng TTY ay maaaring tumawag sa
    (800) 430-7077.
  • Online: Bisitahin ang www.healthcareoptions.dhcs.ca.gov/enroll
  • Koreo:

    1. Mag-click dito upang i-download ang form para hilinging baguhin ang iyong plano sa kalusugan ng Medi-Cal.

    2. Sagutan at lagdaan ang form.

    3. Ipadala sa koreo ang form sa:
           CA Department of Health Care Services Health Care Options
           P.O. Box 989009
           W. Sacramento, CA 95798-9850

  • Sa personal: Mag-click dito upang pumunta sa website ng HCO para sa mga lugar at oras ng tagpuan.

Ano ang sinasaklaw ng Partnership?
Nagbibigay ang Partnership ng mga benepisyo sa kalusugan. Para sa karagdagang impormasyon, i-click dito.

Sinasaklaw ba ang mga serbisyo sa paningin?
Oo, sinasaklaw ang mga serbisyo sa paningin ng Partnership sa pamamagitan ng Plano ng Mga Serbisyo sa Paningin (Vision Services Plan, VSP). Maaari kang makakuha ng rutinang eksaminasyon sa mata at salamin tuwing 24 na buwan. Tingnan ang direktoryo ng provider para sa listahan ng mga provider ng paningin o makipag-ugnayan sa VSP sa (800) 877-7195,
Lunes – Biyernes, 5 a.m. hanggang 8 p.m., Sabado, 7 a.m. hanggang 8 p.m., Linggo 7 a.m. hanggang 7 p.m.

Sinasaklaw ba ang mga serbisyo sa ngipin?
Sinasaklaw ang mga serbisyo sa ngipin sa pamamagitan ng Programang Medi-Cal Dental. Kung mayroon kang mga tanong o gustong matuto nang higit pa tungkol sa mga serbisyo sa ngipin, tawagan ang Programang Medi-Cal Dental sa 
(800) 322-6384. Tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2922 o 711. Maaari mo ring bisitahin ang website ng Programang Medi-Cal Dental o ang website ng Smile California.

Paano makakuha ng medikal na pangangalaga na kailangan mo?

  • Gumawa ng appointment para magpatingin sa iyong doktor para sa check-up sa loob ng 90 araw pagkatapos ng iyong pagsisimula sa Medi-Cal.
  • Kapag magpapatingin ka sa doktor, dalhin ang iyong card sa Medi-Cal at ang iyong ID card sa Partnership.
  • Palaging subukang puntahan ang iyong mga appointment at subukang makarating doon nang mas maaga ng 15 minuto.
  • Kung kailangan mong kanselahin ang iyong appointment, tumawag nang maaga nang hindi bababa sa 24 na oras.
  • Gumawa ng listahan ng mga tanong na itatanong sa iyong doktor. Dalhin mo ang iyong listahan.
  • Kung mayroon kang hindi nauunawaan, sabihin sa iyong doktor. Kung nakauwi ka na at nakalimutan mo ang sinabi sa iyo ng iyong doktor, tawagan ang tanggapan ng iyong doktor at hilingin muli ang sagot o mga tagubilin.
  • Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng gamot na iyong iniinom, kahit na ang mga over-the-counter na gamot. Maaari kang gumawa ng listahan ng iyong mga gamot na ibibigay sa iyong doktor. Kapag binigyan ka ng iyong doktor ng bagong reseta, tanungin kung mayroong anumang side effect o pagkain na hindi mo dapat kainin. Itanong kung kailan dapat inumin ang gamot.
  • Para sa pang-emergency na pangangalaga, tumawag sa 911 o pumunta sa pinakamalapit na emergency room (ER). Para sa pang-emergency na pangangalaga, hindi mo kailangan ng paunang pag-apruba (paunang pahintulot) mula sa Partnership.
  • Huwag pumunta sa ER para sa rutinang pangangalaga o pangangalagang hindi kinakailangan kaagad. Kung hindi ka sigurado kung pang-emergency ang iyong medikal na kondisyon, tawagan ang iyong doktor ng pangunahing pangangalaga. Maaari ka ring tumawag sa 24/7 na Tagapayong Nars sa (866) 778-8873.

Kailangan kong magpatingin sa espesyalista, paano ko gagawin iyon?
Kung kailangan mo ng espesyal na pangangalaga, gagawan ka ng referral ng iyong doktor ng pangunahing pangangalaga. Ang referral na ito mula sa iyong doktor ay ang iyong pag-apruba na magpatingin sa isang espesyalista. Para sa karagdagang impormasyon, i-click dito.

Saan ako maaaring pumunta para sa agarang pangangalaga?
Tawagan muna ang iyong doktor ng pangunahing pangangalaga. Maaari kang makipag-usap sa isang taong sumasagot sa mga tawag para sa iyong doktor kapag sarado na ang tanggapan. Hilinging makipag-usap sa iyong doktor o doktor na puwedeng matawagan. Maaaring sagutin ng isa pang doktor ang iyong tawag kapag hindi available ang iyong doktor.

Sabihin sa doktor ang tungkol sa iyong kondisyon at sundin ang kanyang mga tagubilin.

Maaari mo ring tawagan ang aming tagapayong nars sa (866) 778-8873, 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.

Maaari kang makahanap ng mga sentro sa agarang pangangalaga sa iyong Direktoryo ng Provider, i-click dito.

Ano ang aking mga benepisyo kapag naglalakbay sa labas ng aking tinitirhang county at/o sa labas ng estado ng California (sa loob ng Estados Unidos)?
Limitado ang iyong mga benepisyo sa mga serbisyong pang-emergency at agarang pangangalaga habang nasa labas ng iyong county. Kung mayroon kang emergency na nagbabanta sa buhay habang wala ka sa iyong bahay, dapat kang pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang ibig sabihin ng paunang pag-apruba (paunang pahintulot, naunang pag-apruba) o TAR?
Dapat makakuha ang iyong doktor ng pag-apruba mula sa Partnership bago ka makakuha ng ilang partikular na serbisyo. Aaprubahan lang ng Partnership ang mga serbisyong kailangan mo. Tinutukoy din ito bilang Kahilingan sa Pahintulot sa Paggamot (Treatment Authorization Request, TAR).

Para sa karagdagang impormasyon i-click dito.

Ano ang ibig sabihin ng Direktang Miyembro?
Hindi itatalaga lahat ng miyembro sa isang doktor ng pangunahing pangangalaga. Tinatawag ang mga miyembrong hindi nakatalaga sa doktor ng pangunahing pangangalaga na Mga Direktang Miyembro. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Mga Direktang Miyembro: mga batang nasa pangangalaga ng ibang pamilya, mga miyembrong may end stage renal disease, mga miyembrong naninirahan sa pangmatagalang pasilidad, at mga miyembrong may iba pang coverage sa kalusugan. Kahit na maaaring magpatingin sa sinumang provider ng Medi-Cal ang Mga Direktang Miyembro, kailangan pa rin ang paunang pag-apruba para sa ilang serbisyo. Kung sa tingin mo ay maaari kang maging kwalipikado para sa pagtatalaga ng Direktang Miyembro, mangyaring makipag-ugnayan sa Departamento ng Mga Serbisyo sa Miyembro ng Partnership.

Paano kung may bahagi sa gastusin (share-of-cost, SOC) ako?
Ang bahagi sa gastusin (share-of-cost, SOC) ay isang itinakdang halaga na kailangan mong bayaran sa mga provider bawat buwan kapag tumatanggap ng mga serbisyong saklaw ng Medi-Cal. Tinutukoy ng iyong tanggapan ng Medi-Cal ang halaga ng SOC. Matapos mong matugunan ang iyong SOC, kwalipikado kang makatanggap ng mga serbisyong saklaw ng Medi-Cal para sa buwan na walang out of pocket na gastos. 

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong halaga ng bahagi sa gastusin, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan ng Medi-Cal.

Ako ba ang mananagot sa anumang co-pay, premium, o out of pocket na gastos?
Kung mayroon kang bahagi sa gastusin (tingnan ang tanong sa itaas), kakailanganin mong bayaran ang halagang iyon bawat buwan sa iyong provider. Walang ibang co-payment, premium, o out of pocket na gastos kung nakatanggap ka ng mga benepisyo na saklaw ng Medi-Cal sa pamamagitan ng isang doktor sa Medi-Cal.

Makakatulong ang opisina ng Medi-Cal ng iyong county na masagot ang mga tanong na nasa ibaba:

  • Gaano katagal ang aking coverage sa Medi-Cal?
  • Kailan ko kailangang i-renew ang aking coverage sa Medi-Cal?
  • Kanino ako dapat makipag-ugnayan kung hindi ko na magamit ang aking mga benepisyo sa Medi-Cal?
  • Paano ako makakapag-order ng bagong ID card ng Medi-Cal?

County ng Butte

(877) 410-8803

County ng Colusa

(530) 458-0250

County ng Del Norte

(707) 464-3191

County ng Glenn

(530) 934-6514

County ng Humboldt

(877) 410-8809

County ng Lake

(800) 628-5288

County ng Lassen

(530) 251-8152

County ng Marin

(877) 410-8817

County ng Mendocino

(707) 463-7700

County ng Modoc

(530) 233-6501

County ng Napa

(707) 253-4511

County ng Nevada

(530) 265-1340

County ng Placer

(916) 784-6000

County ng Plumas

(530) 283-6350

County ng Shasta

(877) 652-0731

County ng Sierra

(530) 993-6700

County ng Siskiyou

(530) 841-2700

County ng Solano

(707) 784-8050

County ng Sonoma

(877) 699-6868

County ng Sutter

(530) 822-7327

County ng Tehama

(530) 527-1911

County ng Trinity

(800) 851-5658

County ng Yolo

(866) 226-5415

County ng Yuba

(530) 749-6311