Gaano katagal dapat akong maghintay sa isang
appointment ng doktor?
Mga Appointment ng Bagong Silang na Sanggol
Ang mga sanggol na inilabas mula sa ospital nang hindi bababa sa 48 oras ng buhay matapos ipanganak ay dapat na matingnan sa loob ng dalawang araw ng negosyo mula nang ilabas.
Mga Appointment na Hindi Agarang Pangunahing Pangangalaga
Kasama sa mga appointment na ito ang pangangalaga habang buntis, mga pagpapatingin upang umiwas sa sakit, at mga muling pagpapatingin. Dapat ipagkaloob ang mga appointment sa loob ng 10 araw ng negosyo ng kahilingan.
Mga Appointment na Agarang Pangangalaga
Dapat ibigay ang appointment sa loob ng 48 oras ng kahilingan.
Pang-emergency na Pangangalaga
Dapat kaagad na maibigay ang paggamot na pang-emergency sa lahat ng miyembro 24 na oras sa isang araw. Sa mga oras na sarado ang mga opisina ng PCP, dapat ituro ang mga miyembro sa isang lokasyon na gumagamot pagkatapos ng oras ng opisina o sa lokasyon ng pang-emergency na pangangalaga depende sa uri ng problema.
Pangangalagang Espesyalidad
Ibibigay ang pangangalagang espesyalidad na kinakailangang medikal sa loob ng lugar ng serbisyo ng plano kung maaari. Kung hindi magagamit ang isang serbisyong espesyalidad na kinakailangang medikal sa loob ng lugar ng serbisyo, isasaayos ng kawani ng plano ang pangangalagang espesyalidad sa labas ng lugar ng serbisyo at/o network. Dapat ipagkaloob ang mga appointment sa loob ng 15 araw ng negosyo ng kahilingan.
Hindi Agarang Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-iisip na Walang Doktor
Dapat ipagkaloob ang mga appointment sa loob ng 10 araw ng negosyo ng kahilingan.
Mga Hindi Agarang Serbisyong Pantulong
Dapat ibigay ang mga appointment para sa mga serbisyong pantulong para sa pagsusuri o paggamot ng pinsala, sakit, o iba pang kondisyong pangkalusugan sa loob ng 15 araw ng negosyo ng kahilingan.
Pag-iwas sa Sakit na Pangangalaga ng Ngipin
Dapat ibigay ang mga appointment sa loob ng 40 araw ng negosyo ng kahilingan.
Hindi Agarang Pangangalaga ng Ngipin
Dapat ibigay ang mga appointment sa loob ng 36 araw ng negosyo ng kahilingan.
Agarang Pangangalaga ng Ngipin
Dapat ibigay ang mga appointment sa loob ng 72 oras ng kahilingan.
Access sa Telepono, Pag-uuri at Screening
- Pag-uuri at screening sa telepono – ibinibigay o isinasaayos ng opisina ang pagkakaloob ng pangangalaga na 24/7 o ginagamit ang serbisyo ng pag-uuri na 24/7 ng Health Plan.
- Oras ng paghihintay sa pag-uuri at screening- hindi dapat hihigit sa 30 minuto.
- Oras ng paghihintay upang makausap ang isang kinatawan ng customer service ng plano ng kalusugan – hindi hihigit sa 10 minuto.
Kung mayroon kang anumang mga problema sa pag-iiskedyul ng mga appointment o hindi natutugunan ng opisina ng inyong doktor ang mga takdang oras na ito, pakitawagan ang Member Services Department ng PHC para sa tulong. Matatawagan kami magmula Lunes hanggang Biyernes mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa 800-863-4155.